User Tools

Site Tools


bokabularyo

Bokabularyo

Ang isang diksyunaryo, o kombinasyon ng diksyunaryo at tesauro (gaya ng sinisikap nating tamuhin sa Wika site na ito, ay pinaka-konsentradong kinatawan ng bokabularyo ng anumang lengwahe. Kung ang interes mo ay kumonsulta sa mga partikular na salita, mangyaring tumungo sa seksyong Diksyunaryo o seksyong Tesauro. At kung ang interes mo ay mag-ambag sa pagbubuo ng nasabing Diksyunaryo o Tesauro, mangyaring i-email ako sa junv at iraia dot net.

Ang mas papaksain sa seksyong ito ay ang kasaysayan ng pag-unlad, kung paano ang patuloy na pagbabago't pag-unlad, ng bokabularyo ng wikang Pilipino (Tagalog), at kung ano ang mga tunguhin at batas na nagbibigay ng matagalang hugis sa nasabing wika. Sa seksyong ito din iuugnay ang gramatikal na istrukturang gumagabay sa paggamit at pag-unlad ng nasabing bokabularyo.

bokabularyo.txt · Last modified: 2017/11/17 01:36 by admin