This is an old revision of the document!
Ang tesaurong ito ay nakabatay sa Roget's Thesaurus, partikular sa bagong edisyon na lubusang nirebisa at in-update ni Susan M. Loyd (Penguin Books, 1982). Totoong marami na itong limitasyon at kahinaan, at marami na ding pwedeng pagpiliang ibang tesauro lalo para sa mga larangang syentipiko-teknikal. Pero ito pa rin ang mas nakatatak sa popular na kaisipang Kanluranin, kaya mas madaling ilatag bilang panimulang istruktura ng proyektong ito.
Depende sa panahon, posibleng iayos ko muli ang kabuuang istruktura ng tesaurong ito upang mas lohikal na isalamin ang mga pag-abante sa pilosopya, siensya, at praktikal na buhay ng lipunan. Pero ang mga batayang termino at kulumpon ng termino ay mas malamang na manatili, o mas minimal ang pagbabago.
Pagbabago | Pagka-permanente (kawalang pagbabago) | Pagka-tigil | Pagka-tuloy | Pag-panibago o kombersyon | Pag-panumbalik | Rebolusyon | Pagka-palit o substitusyon | Palitan | Pagka-mapagpalit | Estabilidad o katatagan | Kasaysayan o nagdaan | Kaganapan o nangyayari | Kinabukasan o hinaharap
Ugat o kawsa | Bunga o epekto | Dahilan o atribusyon | Swerte | Lakas o poder | Kawalan ng lakas o poder | Kalakasan o pwersa | Kahinaan | Pagka-likha o produksyon | Pagka-wasak o destruksyon | Pagpaparami o reproduksyon | Pagpapalaganap o propagasyon | Taga-wasak | Taga-likha o taga-luwal | Supling | Pagka-produktibo | Di pagka-produktibo | Taga-gawa o ahensya | Sigla (enerhyang pisikal) | Kawalang sigla | Karahasan | Pagtitimpi o moderasyon | Panghahatak o impluensya | Tunguhin o tendensya | Pagkiling o liabilidad | Pagtagpo | Kontra-aksyon